Kaninang 8:14am ay tinamaan ng 7.2M na lindol ang Bohol. Makikita sa tweet ng ating nag-aalalang kababayan na nasira ang isang simbahan sa bohol. Ang lindo na ito ay ang isa sa pinakamalakas na lindo na tumama sa Pilipinas. Sa kasamaang-palad ay mayroon nang nabalitang 20 na namatay sa trahedyang ito. Sa kasalukuyan ay nagbabalak nang mag-deklara ng state of calamity ang lalawigan ng Cebu. Sinuspinde na din ng coast guard ang mga byahe papuntang Cebu para sa kasiguraduhan ng kaligtasan.

Lindol sa Pilipinas Ngayong 2013

Tingnan natin ang mga lindol sa Pilipinas ngayong 2013. Ngayong taong 2013 ay mayroon nang 4 na malalakas na lindol (kasama na ang sa Bohol) na tumama sa Pilipinas. Ang lindol ngayong araw ay ang pinakalamalakas na para sa taong 2013. Ang pinakamalakas na Lindol na tumama sa Pilipinas ay ang lindol noong August 16, 1976. Ito ay may lakas na 7.9M na ikinimatay ng 4,791. Tinatayang 2288 ang nawala at halos 10,000 ang nasugatan.

Ang pinakaunang malakas na lindol sa Pilipinas ngayong 2013 ay nangyari noong ika-16 ng Pebrero kung saan mayroon itong lakas na 6.2M at tumama sa Caburan Davao Del Sur.

Sumunod dito ay ang lindol na may lakas na 5.7M na tumama sa Carmen Cotobato noong June 1, 2013. Pagkalipas lang ng dalawang araw ay muling lumindol sa nasabing lugar. Ang kasunod na lindol ay may lakas na 5.7 din.

At ang huling malakas na lindol na tumama sa Pilipinas ay ang lindol ngayong araw na ito.

Isa na naman itong trahedya para sa ating bansa. Hindi pa nga nakakabangon ang mga tao sa Zamboanga at Norteng Luzon ay mayroon na namang panibagong problema na kailangan harapin ang mga mamamayang Filipino.

Senyales ba ang mga Trahedya at ang Lindol sa Pilipinas?

Hindi po kami mahilig maniwala sa mga senyales at mga kakaibang bagay ngunit maaari kayang ito ay isang senyales galing sa itaas patungkol sa katiwalian sa Gobyerno? Nakakalungkot man isip ay wala tayong magagawa kundi ang ipagdasal ang mga kaluluwa ng mga yumao at magbigay ng tulong na bukal sa ating puso.

Sa muli, ay naniniwala pa din kami dito sa Filipinong Totoo na babangon din ang Pilipinas.

lindol sa Pilipinas

Para sa mas detalyadong balita tungkol sa lindol ay bisitahin ang link na ito.